Si Inay at Si Itay

This is in Tagalog (Filipino), have your friends translate it for you :D I was planning to translate everything but the humor gets lost in translation :D

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil na payo na natutuhan ko sa aking mga magulang noong ako ay bata pa:

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.
"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."

2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

4. At kay Inay pa rin ako natuto MORE LOGIC.
"Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng sine."

7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo nauubos lahat ng pagkain mo!"

8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER.
"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"

9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."

10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
"Tumigil ka nga diyan! Huwag kang mag-inarte na parang Nanay mo!"

11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
"Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!"

12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY.
"Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong
magulang na tulad namin?"

13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"

14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING.
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"

15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR.
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo
sa akin at lulumpuhin kita!"

16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE.
"Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak magiging katulad mo at magiging sakit din
sa ulo!"

No comments:

Related Posts with Thumbnails